Lunes, Enero 25, 2016

Nais na Paglimot

Kapag gusto mong makalimot, ginagawa mo lahat upang hindi mo siya maalala. Lahat ng lugar na pinuntahan niyo, iniiwasan mo. Lahat ng bagay na naibigay niya, tinatapon mo. Lahat ng bagay na pwede magpaalala sa kanya, iniiwasan mo. Lahat, lahat. Kahit unang letra ng pangalan niya ayaw mong mabigkas, kahit katugma nito. 

Lahat. Lahat. Lahat.Dahil tila nasa isip mo, na kung maiiwasan mong isipin siya, mawawala ang sakit. Mawawala ang hapdi na dulot ng realidad na hindi kayo tinakda para sa isa't isa. Marahil hindi pa ngayon o marahil Hindi talaga. 
Akala mo kapag nakalimot kang naging parte pala siya ng buhay mo, mawawala lahat ng tanong na "Paano kaya", "Paano kung lumaban ako" " Paano kung sumugal ako - Susugal ka din ba? May magbabago ba? "


Kasi ang totoo, naghihintay akong sumugal ka, naghihintay akong lumaban ka, naghihintay akong maipadarama mo ang mga nabitawang salitang "mahal kita".

Naghintay ako at naghintay at naghintay, hanggang nalimutan ko na kung bakit.
Hanggang nagising nalang akong hindi ko nalang nadama ang sinabing mong "mahal kita".

Sadyang bang magbibitaw tayo ng mga salita na hindi naman natin kayang panindigan? Sadya bang ganoon tayo natatakot na mawalan na hinding namamalayang nawawala na natin ang isa't isa?

Napakasakit ang umasa sa mga salitang nabitawan ngunit hindi napanindigan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento