Biyernes, Pebrero 5, 2016

Huli na'to


Salamat sa lahat ng memorya.
Sa sandaling ito, napupuntahan ko na ang mga lugar na dati kong iniiwasan
Dahil inakala ko nuun akoy masasaktan.
Hindi na ako nasasaktan.
Tinatanggap na ng puso ko ang bawat ipinapaalala ng utak ko.
Lahat ng magagandang memorya na nangyari sa lugar na ito,
Hindi na masakit. Hindi na.

Mayroon'g pag-hihinayang, Oo.
Pero ang buntong hininga ng lumbay ay napapawi na ng pag-asa.
Pag-asa hindi nang iyong pagbabalik,
Kung hindi ay nang akin.
Ito pala ang ninais kong balikan; ang akong sarili.

Salamat sa bawat magandang alaala.
Salamat sa baong kasiyahan at bagong natutunan.
Salamat sa lahat.


Hindi na ganoon kasakit, humihilom na ang nasugatang
puso na akala ko nuun ay ikaw lamang ang gamot.

Hindi ikaw ang Kailangan nito, kung hindi ay Ako.
Dahil nung nawala ka, tila iniwan ko din lahat sila.
Pero ang dapat pala; Ako, Ako muna.


Babalikan ko na ang akong sarili,
Matagal na niya akong hinihintay.

Salamat at Paalam.

Lunes, Enero 25, 2016

Pagdating

Darating din siya.Ang tao'ng magpapangiti sa bawat malungkot na sandali. Darating din siya. Ang taong hahawak sa yung kamay habang kinakabahan kang harapin ang bawat problema. Darating din siya. Ang taong kaya kang pasayahin sa pinaka-simpleng paraan na alam niya. Darating din siya. Ang taong pagpapaintindi sa iyo kung bakit hindi ka napunta sa iba. Darating din siya. Ang taong yayakapin ka sa bawat sandaling alam mong yun lang kailangan upang makalma ang utak mo.

Oo, darating siya. Alam kong mahirap paniwalaan pero manalig ka, darating siya.
Ngayong araw na ito, marahil ika'y umiiyak, nalulungkot, napapagod at naiisip mong nasaan na siya, nasaan na ba ang tila isang libong taon na paghihintay sa kanya. Pero tandaan mo, ang Plano ng Diyos ay perpekto, kaya manalig ka. Darating siya, ang taong itinakdang pasayahin ka, ang taong aalagaan ka, ang taong sasabayan ka sa tawa at iyak ng buhay, ang taong handang magsakripisyo para sa inyong dalawa. Darating din ang taong tatanggapin ka sa lahat-lahat kahit ano ka pa. Maniwala ka, ito ang sinasabi ko, darating din ang taong magmamahal sayo.

Kaya punasan na ang bawat luha mo, tumayo at ipagpatuloy ang lakbay ng paghihintay sa kanyang pagdating. Bawat hakbang ay isang pagkakataon sa inyong pagkikita, maghanda ka na, paparating na siya. 

Nais na Paglimot

Kapag gusto mong makalimot, ginagawa mo lahat upang hindi mo siya maalala. Lahat ng lugar na pinuntahan niyo, iniiwasan mo. Lahat ng bagay na naibigay niya, tinatapon mo. Lahat ng bagay na pwede magpaalala sa kanya, iniiwasan mo. Lahat, lahat. Kahit unang letra ng pangalan niya ayaw mong mabigkas, kahit katugma nito. 

Lahat. Lahat. Lahat.Dahil tila nasa isip mo, na kung maiiwasan mong isipin siya, mawawala ang sakit. Mawawala ang hapdi na dulot ng realidad na hindi kayo tinakda para sa isa't isa. Marahil hindi pa ngayon o marahil Hindi talaga. 
Akala mo kapag nakalimot kang naging parte pala siya ng buhay mo, mawawala lahat ng tanong na "Paano kaya", "Paano kung lumaban ako" " Paano kung sumugal ako - Susugal ka din ba? May magbabago ba? "


Kasi ang totoo, naghihintay akong sumugal ka, naghihintay akong lumaban ka, naghihintay akong maipadarama mo ang mga nabitawang salitang "mahal kita".

Naghintay ako at naghintay at naghintay, hanggang nalimutan ko na kung bakit.
Hanggang nagising nalang akong hindi ko nalang nadama ang sinabing mong "mahal kita".

Sadyang bang magbibitaw tayo ng mga salita na hindi naman natin kayang panindigan? Sadya bang ganoon tayo natatakot na mawalan na hinding namamalayang nawawala na natin ang isa't isa?

Napakasakit ang umasa sa mga salitang nabitawan ngunit hindi napanindigan.

Puwang

Nung sinabi mo sa akin na mahal mo ako. Nanlambot ang bawat kirot na tinatagong sakit ng aking puso.Tila baga'y nawala lahat ng tanong, tila lahat ng problema nasolusyunan, tila lahat ng bagay mayroon ng katuturan.

Ngunit nung sinabi mong mahal mo ako, nagkaroon ng bagong puwang sa puso.Puwang na umaasa na maramdaman ko ang sinabi mo.

Lumipas ang mga araw, may oras ng ngiti, oras ng kilig at oras ng kasiyahang di ko noon pa nadarama.

Ngunit, sa pagdaan ng araw, tila baga'y ang iyong "mahal kita" ay tumitigil lamang sa "mahal lang kita".Tila ito'y mga salita lamang na binigkas mo upang masabi sa iyong sariling nagmamahal ka. Ngunit nagmamahal ka nga ba?

Hindi ba't ang pagmamahal ay may kasamang pagtanggap sa sakit, sa hapdi? Hindi ba't kasama sa bawat kasiyahan, sa kilig, sa saya, sa yakap ay baon nito ang sakripisyo? Bawat Oras, bawat sandaling ginugugol mo sa kanya ay tila sakripisyo sa oras na dapat may ginagawa kang iba?

Hindi ba't kapag nagmamahal ka, sumusugal ka para lamang mapanatag ang kalooban niya na minamahal mo talaga siya? Hindi ba't kapag nagmamahal ka, pinaparamdam mong mahal mo siya. Hindi ba't Kapag nagmahal ka nagbibigay ka? Ngunit, nagbibigay ka nga ba?

Ang puwang na nadagdag dito sa puso ko ay napuno. Hindi ng pagmamahal mo kundi ng mga tanong. Mga tanong kung ito nga ba ay totoo.

Dahil kapag nagmahal ka, itong puwang ng mga tanong, nung una pa lang ay wala na sana.